Magrasang damit ng batang madungis
tyang gutom at katawa'y malangis;
palaboy-laboy sa eskinita,
pagala-gala sa kalsada,
uupo sa sulok may katabing lata,
limos na inaabot ang lata
sa mga tao - nagmamakaawa
para makakuha kahit kaka-unting barya.
Paglipas ng hapon at pagsapit ng gabi
walang paligo at katawa'y makati.
Ang naipon nyang pera
kulang kulang sampu ang halaga.
'Di na matiis ang gutom nagkalkal ng basura
sa tagal walang makita;
nainip, nakatulog ng padapa,
ang naipong barya
idadagdag nalang bukas sa lata.
Read This on Wattpad:
http://www.wattpad.com/50901980-tula-palimos
Follow Me on Wattpad:
http://www.wattpad.com/user/kagesa