About

Thursday, May 29, 2014

Nasasabi mo pa ba na "Kamusta ka?"
Sa dami ng mga kung anong bagay na iyong ginagawa?
Nasasabi mo rin ba na "Kailangan kita"
O hindi na dahil sa makasarili ka?

Nasasabi mo pa ba na "Masaya akong kasama ka"
Sa kabila ng mga problema mong karamay kita?
Nasasabi mo rin ba na "Ingat ka ha!"
Sa araw araw ng pamumuhay mo, ako kaya'y naaalala pa?

Mahirap intindihin at masakit isipin
At sadyang nakakabobong unawain
Na ang taong malapit sayo,
Siya pa ang nanakit sayo.

Read This on Wattpad: http://www.wattpad.com/50903280-tula-masambit-mo-pa-kaya
Follow Me on Wattpad: 
http://www.wattpad.com/user/kagesa
Categories:

0 comments:

Post a Comment